Article Inside Page

Showbiz News

Inamin ni Will Ashley na minsan na siyang ni-reject ni Mika Salamanca.Isang nakakagulat na pahayag ang ikinuwento ng Delivery Boi star na si Will Ashley sa vlog ng Kapuso actress na si Mika Salamanca, kung saan ibinahagi niyang minsan na siyang tinanggihan nito nang subukan niyang manligaw rito noon.

Sa naturang vlog, sumalang ang dalawa sa isang “24 Hours Jowa Challenge” na siyang naging hiling ni Will sa naunang vlog nila kung saan sorpresa siyang dinala ni Mika sa Vietnam para magbakasyon. Dahil napagpasyahan nilang mag-extend pa sa kanilang pagpunta sa nasabing bansa, naisipan ni Will na ituloy ang naturang challenge para sa susunod na video ng aktres.

Sa pagtatapos ng araw, sa dulo ng naturang vlog, nagbiro si Mika na patapos na rin ang challenge kung kaya't kailangan na nila magpaalam bilang “mag-jowa” sa mga viewers ng vlog.