Article Inside Page

Showbiz News

Umaapaw na kilig ang hatid ng duet nina Will Ashley at Mica Salamanca sa kanilang "car-a-oke."Kilig ang hatid sa fans ng car-a-oke version nina Mika Salamanca at Will Ashley ng classic OPM na "Kahit Maputi na ang Buhok Ko." Ang netizens at kapwa nilang celebrities, kani-kaniyang comment tungkol sa ganda ng blending ng boses nila.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, July 19, ibinahagi ni Will na papunta sila noon ni Mika sa isang party nang maisipan nilang mag-jamming.

"Biglaan talaga na naisip namin, 'Uy, gawin natin 'to.' Sabi ko, 'Sige,'" pagbabahagi ni Will sa panayam sa kaniya ng batikang entertainment reporter.