Article Inside Page
Showbiz News
Nagbigay ng update si Mika Salamanca sa ipinapagawang sariling bahay. Dumating din sa kanyang pa-house tour si Will Ashley.Malapit nang matapos ang ipinapagawang sariling bahay ng Sparkle artist na si Mika Salamanca.
Sa kanyang latest vlog, ipinakita ni Mika ang progress ng kanyang bahay na, aniya, ginagawa na bago pa siya pumasok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, na nag-premiere noong March 2025.
"And now, malapit na tayo sa pagtatapos niya. Labas na lang. 'Yung interior niya tapos na. Kinukumpleto ko na lang 'yung mga gamit," sabi niya.






