Article Inside Page

Showbiz News

Mas gusto raw ni Dennis na ituring ang sarili bilang isang artist kaysa bilang isang star.Isa sa mga pinakaimportante at hindi malilimutang role ni Dennis Trillo ay ang pagganap sa kauna-unahan niyang pelikula, ang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004).

Sa katunayan, matinding paghahanda ang ginawa ng aktor para magampanan ang kaniyang role sa naturang pelikula.

Gumanap dito si Dennis bilang si Ignacio “Igna” Basa, isang transgender woman na ispiya laban sa mga Hapon.