Article Inside Page

Showbiz News

Meron bang projects na aatrasan si Dennis Trillo? Alamin dito:Kilala si Dennis Trillo sa pagkakaroon ng malawak na range bilang isang aktor. Mapa-comedy man, action, o drama, napatunayan na niya ang kakayahan niyang bigyang-buhay ang iba't ibang mga karakter.

Pero sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 10, inamin ni Dennis na may roles at projects din na inaatrasan niya.

“Actually, meron mga projects, maraming mga dumadating, pero hindi lahat natatanggap dahil feeling ko hindi ko nakikita 'yung sarili ko dun sa proyekto na yun. May mga projects na alam mo na kaagad, e, 'pag binasa mo pa lang, 'pag naikwento na sa 'yo, parang alam mo na hindi ito para sa 'yo at alam mo rin 'yung swak para sa 'yo,” sabi ni Dennis.