Article Inside Page
Showbiz News
Dennis Trillo sa pagiging isang ama: “Do'n ako nakaka-focus talaga ngayon.”Sa kaniyang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kaniyang karanasan hindi lamang bilang isang aktor kundi bilang isang nakatutok na ama at asawa.
Ayon kay Dennis, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kaniyang pamilya ngayon. Aniya, tila naging part-time na propesyon na lamang ang pag-aartista dahil mas nakatutok siya sa pagiging haligi ng tahanan.
“Tito, noong isang gabi naiisip ko na parang part-time actor na lang ako, e. Mas full-time na ama at asawa. Kasi feeling ko mas do'n ako nakaka-focus talaga ngayon, e. Sa pagiging tatay, sa pagiging asawa, sa pag-provide, sa pagsuporta sa kanilang lahat—bawat isa sa kanila,” pahayag ni Dennis.






