Article Inside Page
Showbiz News
Nagpakilig sina Dustin Yu at Bianca de Vera sa kanilang kauna-unahang fan meet na “Love, Actually.”Kahit naapektuhan ng masamang panahon, dumagsa pa rin ang fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera para sa kanilang kauna-unahang fan meet na “Love, Actually.”
Napuno ang New Frontier Theater nitong weekend para sa unang fan meet nina Dustin Yu at Bianca de Vera, na tampok ang nakakakilig na performances at sweet moments ng tambalan.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa Unang Balita, ibinahagi ni Bianca kung gaano siya na-overwhelm sa mainit na pagtanggap ng kanilang fans.






