Article Inside Page
Showbiz News
Hindi dapat palampasin ng fans ang isang grand reveal sa dulo ng 'DustBia Love, Actually' concert nina Dustin Yu at Bianca De Vera.Puspusan ang paghahanda ng DustBia o tambalang Dustin Yu at Bianca De Vera para sa kanilang nalalapit na "DustBia Love, Actually" concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa August 8.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ipinarating ni Dustin ang kanilang kagustuhan na mapasaya ang fans sa darating nilang concert.
"Ito na 'yung pinakamalaking gift namin sa kanila since nu'ng paglabas namin ng PBB," sabi ni Dustin. "So expect nila na this time around magkasama na kami at saka mas lalo silang magiging masaya."






