Article Inside Page

Showbiz News

Tanggap na rin nina Dustin Yu at Bianca de Vera ang pagiging bukas ng buhay nila sa social media.Sa panahon ngayon ng social media, hindi na bago ang ibahagi ng ordinaryong tao ang halos lahat tungkol sa kanilang pribadong buhay. Maging ang mga celebrities tulad nina Dustin Yu at Bianca de Vera, gumagamit na rin ng iba't ibang platform para mas makilala pa sila ng fans.

Ngunit may mga pagkakataon din na nagiging invasive na ang social media sa kanilang personal na buhay. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 16, ibinahagi ng dalawa kung kailan okay lang at kailan hindi na maganda ang mga naturang platform.

Ayon pa kay Dustin, umabot na siya sa puntong tinanggap na lang niya na hindi niya kontrolado ang social media sa pag-invade ng kaniyang pribadong buhay.