Article Inside Page

Showbiz News

Mas tumibay na raw sina Bianca de Vera at Dustin Yu pagdating sa mga natatangap nilang pamba-bash online.Bilang celebrities, hindi na umano bago kina Dustin Yu at Bianca de Vera ang maging laman ng fake news at makatanggap ng pamba-bash online.

Kung dati ay sobrang apektado pa ang dalawang aktor, ngayon ay nasanay na raw sila sa mga natatanggap na negatibong komento.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 17, sinabi ni Dustin na natatawa na lang siya sa mga fake news na lumalabas tungkol sa kaniya o kay Bianca.