Article Inside Page

Showbiz News

Vice Ganda sa ilang araw na pagkawala sa 'It's Showtime': "Bakasyon po 'yon, hindi suspension."Nilinaw ni Unkabogable Star Vice Ganda ang ilang araw na pagkakawala sa It's Showtime at pinabulaanan ang aniya'y fake news na sinuspende siya.

Sa It's Showtime ngayong Sabado, August 8, sinabi ni Vice na nasa bakasyon siya noong ilang araw na wala sa programa. Huli siyang nakita sa It's Showtime noong July 28 at muling napanood noong Huwebes, August 6.

"Every day dapat excited tayo. Ako every day whatever happens, minsan matamis, minsan maalat, mapait, minsan stressful, minsan masaya, but every day for 16 years I still look forward to going to [It's] Showtime. Every day, kahit anong ganap, gusto ko pa ring pumasok," sabi ni Vice.