Article Inside Page

Showbiz News

'It's Showtime' Vice Ganda, inisa-isa ang dahilan kung bakit hindi siya napapagod sa kabila ng tambak niyang trabaho bilang artista.Nakaka-inspire ang ginawang pagmumuni-muni ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa kaniyang latest vlog na "My Unkabogable Breadwinner Story."

Sa unang bahagi ng video, ipinasilip ng award-winning comedian at host ang ilang ganap sa kanilang noontime show tulad ng kanilang rehearsals bago umere.

Matapos ang taping, nagbahagi ng realization si Meme Vice kung saan siya humuhugot ng lakas kahit sobrang dami niyang trabaho.