Article Inside Page

Showbiz News

Nagwagi ang Unkabogable Star na si Vice Ganda bilang Best Host for Entertainment habang pinarangalan ang 'It's Showtime' bilang Best Variety Show sa 1st FAMAS Broadcast Awards 2026.Panalo sa paghahatid ng saya at good vibes ang noontime variety program na It's Showtime.

Patunay rito ang natanggap na parangal ng programa na nagwagi bilang Best Variety Show sa 1st FAMAS Broadcast Awards 2026. Tinanggap ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang nasabing award at labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa It's Showtime.

Thankful din ang seasoned host-comedian sa bumubuo ng It's Showtime, sa ABS-CBN, at sa GMA Network dahil sa pagbibigay ng tahanan sa kanilang programa.