Article Inside Page

Showbiz News

Patuloy na inaabangan ng viewers ang umuusbong na pag-iibigan nina Alden Richards at Nadine Lustre sa 'Love, Siargao.'Mas tumitindi na ang kilig sa romantic-comedy series na Love, Siargao.

Mula sa pagiging magkaibigan nina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre), mukhang malapit nang mag-level up ang kanilang samahan at mauwi sa pagiging lovers matapos ang pag-amin ni Jao.

Sa teaser para sa susunod na episode, sisimulan na ni Jao ang panliligaw kay Kara at bibigyan pa niya ito ng "just because" flowers. Magkakaroon din ng masayang pagdiriwang para sa anniversary ng Katig.