Article Inside Page

Showbiz News

Kinakiligan sina Alden Richards at Nadine Lustre sa ilang behind-the-scenes videos nila sa set ng 'Love, Siargao.'Muling naghatid ng kilig sina Alden Richards at Nadine Lustre sa kanilang fans at viewers.

Sa behind-the-scenes videos nila mula sa set ng Love, Siargao na ibinahagi ng Viu Philippines, nag-react ang fans at viewers sa nakakakilig na interaksyon ng dalawang aktor.

Makikita ang kakulitan nina Alden at Nadine, lalo na ang pagiging komportable nila sa isa't isa sa set ng serye.