Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang 'Love, Siargao' sa GMA ngayong September!Handa na ba kayong mabiktima ng Siargao Curse, mga Kapuso?

Magtutuloy-tuloy ang pagpapakilig nina Alden Richards at Nadine Lustre sa Love, Siargao dahil mapapanood na ang romantic comedy series sa GMA simula September.

Mapupuno ng hiwaga ang istorya nina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre) dahil sila mismo ang makakaranas sa local legend sa isla na tinatawag na "Siargao curse."