Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang nakakakilig na pagtatapos ng “next-gen kilig” serye na You're My Favorite Song!Matagal na sinubaybayan at sinamahan ng mga manonood ang bida ng GMA Afternoon Prime teen romance-drama series na naghatid ng “next-gen kilig” feels sa hapon—ang You're My Favorite Song.
Sa huling linggo, maraming kinaharap na pagsubok si Angel (Caprice Cayetano) matapos lumabas ang katotohanan na siya ang nawawalang tagapagmana ng mga Montaverde—si Celestine, na tunay na anak ni Enrico Montaverde (James Blanco).
Mas patindi nang patindi ang kasamaang dulot ni Serina (Kazel Kinouchi) sa buhay ng pamilya Dimaculangan na sina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) at Mama Bebe (Katya Santos).






