Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang mas tumitindi at kaabang-abang na finale week ng 'You're My Favorite Song!'Ilang araw na lang at mapapanood na ang pagtatapos ng minahal at tinutukang romance-drama series sa GMA Afternoon Prime—ang You're My Favorite Song.
Sa nakalipas na mga linggo, maraming fans at viewers ang sumama kay Angel Dimaculangan (Caprice Cayetano) sa pag-unfold ng kaniyang kuwento—mula sa buhay niya kasama ang pamilya Dimaculangan na sina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) at Mama Bebe (Katya Santos), hanggang sa kaniyang mga pinagdaanan.
Natunghayan din ng mga solid na manonood ang nakakakilig na kuwento ng kaniyang journey sa Brighton Bay Academy kasama ang tatlong lalaking nabighani sa kaniyang kabaitan: sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa).






