Article Inside Page
Showbiz News
Nakibahagi si Alden Richards sa pagbuo ng kanyang karakter sa 'Code Grey.'Todo ang paghahanda ni Alden Richards para sa kanyang pagganap bilang Dr. Greyson Lazaro sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, July 29, ibinahagi ng Kapuso actor na nakibahagi siya sa pagbuo ng kanyang karakter sa serye.
"Nagtanong lang ako, "How are we [going] to make this different? Ano 'yung tatak Greyson Lazaro na kapag pinanood nila or kapag nakita nila somewhere. Ano 'yung tatatak kay Greyson? Ah, parang si Greyson 'yan sa Code Grey," kuwento niya.






