Article Inside Page
Showbiz News
Tinatawagan pa ni Andrea Torres ang kapatid na doktor para lang magpatulong sa kanyang role sa 'Code Grey.'Dumaan man sa training sina Andrea Torres, Alden Richards, Kristoffer Martin, at iba pang cast ng upcoming medical series na Code Grey, marami pa rin silang kinakaharap na hamon para sa mga role na gagampanan nila rito.
Kaya naman si Andrea, grateful sa kapatid niyang doktor na napagtatanungan niya, lalo na ng mga mahihirap at nakakalitong medical terms.
"Grabe 'yung mga medical terms talaga and dapat, siyempre, accurate. So laging merong consultant on set na nagche-check ng kilos namin, ng mga linya namin," sabi ni Andrea sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa Unang Hirit.






