Article Inside Page

Showbiz News

Naging isang hamon para kay Alden Richards ang kanyang karakter bilang doktor sa 'Code Grey.'Muling sasabak si Alden Richards sa isang kakaiba at exciting na karakter sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, June 29, inamin ng Asia's Multimedia Star na isa itong malaking hamon para sa kanya, lalo na ang pagganap bilang isang doktor sa serye.

"'Yung mga medical jargons, mga medical practices. Syempre kailangan, we have to make it seem like talagang alam na alam ko 'yung ginagawa ko as a doctor and as a surgeon," bahagi niya.