Article Inside Page
Showbiz News
Hangad ni Alden Richards na mamulat ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng GMA Public Affairs documentary special na 'Rebuilding Broken Rooms.'May mahalagang mensaheng gustong iparating si Alden Richards sa kanyang pangungunahang pinakabagong GMA Public Affairs documentary special na Rebuilding Broken Rooms.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, July 29, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star na layunin niyang mamulat ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa bansa.
"I hope with this documentary, maraming mamulat na mata. Maraming ma-inspire na ito, this is the current situation of the educational system here in the Philippines, and it's not doing really good," pahayag niya.






