Article Inside Page

Showbiz News

Alden Richards sa pagbuo ng pamilya: "Marami pa tayong paghahandaan."Sa kabila ng kanyang busy schedule para sa kanyang upcoming projects, hindi nakakalimutan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na maglaan ng oras para sa kanyang mga negosyo at hobbies.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Huwebes, June 18, ibinahagi ng aktor na pinaghahandaan na niya ang pagse-settle down, kaya nananatili rin siyang abala sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo.

"I think ito 'yung tamang moment na to seize the moment din, and thank every opportunity that presents itself," sabi niya.