Article Inside Page

Showbiz News

Nasaksihan ni Alden Richards ang mga isyung kinahaharap ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas sa GMA Public Affairs documentary special na 'Rebuilding Broken Rooms.'Para kay Alden Richards, isang eye-opening experience ang kanyang naging karanasan sa pangunguna sa GMA Public Affairs documentary special na Rebuilding Broken Rooms.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend noong Sabado, August 1, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang pagkadismaya sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas matapos niyang personal na bisitahin ang ilang pampublikong paaralan sa bansa.

"And I saw personally the conditions. Kapag tinatanong ko 'yung mga bata, bakit kapag tinatanong ko 'yung mga guro, normal 'to sa kanila? Makeshift classrooms, dikit-dikit sila, sobrang init," kuwento niya.