Article Inside Page

Showbiz News

Masakit para kay Maegan Aguilar na wala siya sa tabi ng amang si Freddie Aguilar nang pumanaw ito.Naging emosyonal ang singer na si Maegan Aguilar nang balikan ang pagpanaw ng kaniyang amang OPM legend na si Freddie Aguilar sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, July 24.

Matatandaan na pumanaw si Freddie noong May 27, 2025 at ayon kay Maegan, hindi na niya ito naabutan nang buhay dahil nasa loob pa siya noon ng rehabilitation center.

Hindi man nakapag-usap nang personal, nakapagpadala pa umano ng sulat si Maegan sa kaniyang ama bago ito pumanaw.