Article Inside Page
Showbiz News
TRIGGER WARNING: This article mentions drug addiction and suicide
Ang 20-taong pagkakaibigan ang naging tulay ni Maegan Aguilar kay Kuh Ledesma para makapagpa-rehab sa unang pagkakataon.
Kamakailan lang ay nakalabas na si Maegan Aguilar, ang anak ng yumaong OPM legend na si Freddie Aguilar, mula sa rehab dahil sa kaniyang drug addiction. Pagbabahagi ng Pinoy singer, isa si Kuh Ledesma sa mga unang tumulong sa kaniya.







