Photo Inside Page
Photos
TRIGGER WARNING: This article mentions suicide and drug addiction.
Nitong April 2026 ay nakalabas na ang singer at anak ni Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar mula sa isang rehabilitation center matapos nitong magpa-admit dahil nalulong ito sa ipinagbabawal na gamot.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 24, ibinahagi ni Maegan na okay siya ngayon at sinabing hindi na niya kailanman muling naisip na gumamit ng ipinagbabawal na gamot matapos lumabas ng rehab.






