Masusubukan ang friendship ng isang barkada sa bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'

Pinamagatang "Operation Breakup," kuwento ito ng solid na pagkakaibigan nina Liam (Larkin Castor), Sean (Ralph Miaco), at Joey (MJ Macalintal).

Pangako nila sa isa't isa na walang iwanan at laging magdadamayan sa mga pagsubok ng buhay.

Kaya naman nang ma-heartbroken sina Liam at Sean, gagawin nila ang lahat para maging single din tulad nila si Joey.

Paano tatanggapin ni Joey ang pagsabotahe nina Liam at Sean sa love life niya?