Kuwentong kagandahan ang tampok sa bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'
Pinamagatang "Maldita Girl," tungkol ito sa vlogger na gandang-ganda sa sarili.
Maganda ang panlabas na anyo pero napakasama ng ugali ni Veronica (Shayne Sava).
Sa tulong ng best friend niyang si Ralph (Raynold Tan), tatanggapin niya ang challenge ng isang misteryosong app.
Gamit ito, mawawala ang beauty ni Veronica at mababawi lang ito tuwing magpapakita siya ng kabutihan.






