Unlimited ang ating chances sa bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'

Sa episode na pinamagatang "The Undying Proposal," isang lalaki ang paulit-ulit na mamamatay tuwing nagpo-propose.

Ready nang mag-level up si Leo (Prince Clemente) sa relationship nila ng girlfriend na si Maddie (Brooke Barredo).

Pero nang mag-propose siya dito, mamamatay siya at magigising na tila umulit ang araw.

Sa tulong ng best friend na si Alexa (Sam Acosta), susubukan nilang baguhin ang iba't ibang mga bagay para hindi matapos ang araw sa pagkamatay ni Leo.