Article Inside Page
Showbiz News
Grateful sina Olive May at Kobie Brown sa suportang natatanggap ng kanilang mga karakter sa 'Born to Shine.'Masaya ang Kapuso actors na sina Olive May at Kobie Brown na makatrabaho ang isa't isa at sa magandang pagtanggap ng tambalan nila sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine. Sa katunayan, looking forward pa nga ang dalawa na magkatrabaho muli sa future projects.
Sa panayam ng GMANetwork.com kina Olive at Kobie sa naganap na mall show at album launch ng programa nitong Sabado, July 18, sa SM Center Muntinlupa, ibinahagi ng dalawa kung gaano sila kasaya katrabaho ang isa't isa.
“Working with Kobie, actually po, honestly, sa lahat ng mga naka-onscreen partners ko, he's the easiest to work with. Sobra,” sabi ni Olive.






