Article Inside Page

Showbiz News

Abangan si JC, ang karakter na gagampanan ni Kobie Brown sa 'Born to Shine.'Soon ay mapapanood na ang pinakabagong Sparkle artist na si Kobie Brown sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine. Gagampanan niya ang role ni JC na isang singer, at love interest ni Megan, ang karakter na ginagampanan ni Olive May.

Sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Biyernes, June 19, ipinahayag ng aktor ang kaniyang excitement sa pinakabagong acting experience bilang isang Kapuso.

"Mga four weeks ago na, I've been studying my script, through and through, tapos nagka-characterization po ako, and I'm just so happy to be back in a teleserye," sabi ni Kobie.