Article Inside Page
Showbiz News
Nakakakilig ang video nina Kylie Padilla at Luis Hontiveros mula sa 'Taskforce Firewall.'Gumaganap bilang mag-asawa ang Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Si Kylie ay ang hepe ng cybercrime division na si Isa, habang si Luis naman ang asawa niyang si Martin na agent ng major crimes division.
Sa isang maikling behind-the-scenes video na ibinahagi nina Kylie at Luis, makikita ang tila isang sweet moment sa pagitan ng kanilang mga karakter.






