Article Inside Page
Showbiz News
Proud sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix sa stunts nila sa upcoming series na 'Taskforce Firewall.'Excited na sina Kapuso stars Kylie Padilla at Miguel Tanfelix para sa kanilang upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Si Kylie ay si Isa, mahusay na strategist at lider ng task force. Gaganap naman si Miguel bilang Galo. retired na sundalo at combat specialist ng grupo.







