Proud si Kylie Padilla sa stunts na ginawa niya para sa upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Kabilang dito ang pag-rappel niya mula sa gilid ng isang building kasama ang co-star na si Miguel Tanfelix.

"Since gusto nating pagandahin 'yung show, gagawin namin. Hindi kami nagdalawang isip ni Kylie. Rapelling training bukas? Game," pahayag ni Miguel tungkol sa experience.

"Ikaw, hindi ka nagdalawang-isip. Ako, nagdalawang-isip ako. May dalawa 'kong anak na naghihintay sa bahay," sagot sa kanya ni Kylie.

Aminado ang aktres na may mga nabago na sa kanyang priorities simula noong naging isang ina.