Article Inside Page
Showbiz News
Nakaka-relate si Kylie Padilla sa marital woes ng kanyang karakter sa 'Taskforce Firewall.'Fan favorite ang karakter ni Kapuso actress Kylie Padilla sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gumaganap siya dito bilang Isa, ang astig na hepe ng cybercrime team.
Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, paulit-ulit siyang pinagtataksilan ng kanyang asawa at ang mga lihim nito ang nagiging sanhi ng tensyon sa pagitan nila.








