Article Inside Page
Showbiz News
Naghatid ng kilig sina Kyline Alcantara at Kim Ji Soo sa viewers ng 'Love, Siargao.'Hindi nagpahuli sa pagpapakilig sina Kyline Alcantara at Kim Ji Soo sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa episode nitong Sabado, July 18, nagkaroon ng sweet interaction sina Pearl (Kyline) at Han Bin (Ji Soo). Makikita sa eksena na naging malapit ang kanilang mga mukha nang hipan ni Han Bin ang mata ni Pearl matapos itong mapuwing.
Agad namang umani ng positibong reaksyon mula sa viewers ang eksenang ito dahil napansin nila ang chemistry ng dalawang Kapuso star. May ilan ding nagsabing bagay silang maging love team.






