Article Inside Page

Showbiz News

Nag-aral ng wikang Siargaonon sina Alden Richards at Kyline Alcantara para sa kanilang mga karakter sa 'Love, Siargao.'Patuloy na buong pusong pinaghahandaan nina Alden Richards at Kyline Alcantara ang kanilang mga karakter sa romantic comedy series na Love, Siargao.

Sa isang video na ibinahagi ng Viu Philippines, makikitang sumabak ang Kapuso stars sa isang Siargaonon lesson, kung saan inaral nila ang ilang salita at ang tamang pagbigkas ng mga ito.

Nag-enjoy at nagpalitan ng tawanan sina Alden at Kyline habang sinusubukang bigkasin ang mga salitang Siargaonon, na ayon sa kanila ay tila Bisaya rin.