Article Inside Page

Showbiz News

Inabangan ng fans at viewers si Alden Richards sa pilot episode ng 'Love, Siargao.'Nakatanggap ng mainit na suporta mula sa fans at viewers ang pilot episode ng romantic comedy series na Love, Siargao na ipinalabas noong Biyernes, June 26.

Sa unang episode, umani ng positibong reaksyon ang serye dahil sa nakakakilig na kuwento nito, lalo na ang karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards bilang si Jao.

Kapansin-pansin din ang magandang chemistry nina Alden at Nadine Lustre, na ikinatuwa ng maraming manonood. Dahil dito, marami na ang excited at nag-aabang sa mga susunod na episode ng serye.