Article Inside Page
Showbiz News
Mapapanood ang ilang award-winning Cinemalaya films sa I Heart Movies ngayong linggo.Award-winning Cinemalaya films ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Isa na diyan ang 'Ekstra' na pinagbidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos at directed by Jeffrey Jeturian.
Isinulat ni Jeturian ang screenplay nito kasama ang kapwa multi-awarded filmmakers na sina Antoinette Jadaone at Zig Dulay. Tungkol ito sa tipikal na araw ng isang ekstra na nagtatrabaho sa isang teleserye.






