Article Inside Page

Showbiz News

Kabilang ang 'About Us But Not About Us' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies.Mga award-winning na pelikula ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na riyan ang psychological drama film na About Us But Not About Us mula sa writer, producer, at director na si Jun Robles Lana.

Tampok dito sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas bilang propesor at estudyanteng magkikita sa isang restaurant. Sa kanilang pag-uusap, mabubunyag ang ilang mga sikreto.