Article Inside Page
Showbiz News
Kabilang ang fantasy adventure film na 'Magikland' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies.Maglakbay patungo sa mga kakaibang mundo kasama ang digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Para sa mga young at young at heart ang adventure film na Magikland na pinagbidahan ng young Kapuso stars na sina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Princess Aliyah, Jamir Zabarte, at Hailey Mendes.
Tungkol ito sa mga batang gamers na mata-transport sa mundo ng isang fantasy mobile game na tinatawag na "Magikland."






