Article Inside Page
Showbiz News
Puno ng pasasalamat si Jake Vargas para sa pagmamahal na natanggap niya mula sa mga magulang.Naging emosyonal ang Kapuso actor na si Jake Vargas nang magbigay ng mensahe para sa kanyang mga magulang. Ito ay matapos nilang pag-usapan ng girlfriend na si Inah de Belen ang tungkol sa kasal sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lang.
Matatandaang pumanaw ang ina ni Jake na si Magdalena noong November 2011 pagkatapos ng laban nito sa colon cancer. Ang ama naman niyang si Miguel ay binawian ng buhay noong 2023 dahil sa sakit.
Sa episode ng naturang GMA Afternoon Prime talk show nitong Biyernes, July 17, nagbigay si Jake ng mensahe sa kanyang mga magulang, at pinasalamatan sila para sa pagmamahal.






