Article Inside Page

Showbiz News

Live-in setup nina Jake Vargas at Inah de Belen,may abiso kay Janice de BelenSampung taon na ang relasyon ng celebrity couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen.

Para sa aktor, sa tinagal ng kanilang relasyon, hindi pa rin umano mawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa.

"Masasabi ko is hindi po talaga nawawala 'yung love kahit sobrang tagal na po naming magkasama and hindi po nawawala 'yung respeto ko sa family niya and sa bawat isa sa amin, sa isa't isa,” sabi ni Jake sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 2, kasama si Manilyn Reynes.