Article Inside Page

Showbiz News

Mapanonood sina Jake Vargas at Inah de Belen sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'Magtatambal ang Kapuso couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen sa brand-new episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Gaganap sila bilang high school sweethearts sa episode na pinamagatang "Ang Katatagan ng Isang Ina."

Si Jake ay si JR, isang binatang nasa autism spectrum, habang si Inah naman ay ang kasintahan niyang si Judith.