Article Inside Page

Showbiz News

Bakit nga ba hind pa nagpapakasal sina Jake Vargas at Inah de Belen?May isang dekada nang magkarelasyon ang celebrity couple na sina Inah de Belen at Jake Vargas. Sa katunayan, nagli-live in na rin ang dalawa. Kaya naman, tanong ng marami, bakit nga ba hindi pa nagpapakasal ang dalawa?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 17, inamin ni Inah, ilang beses na umano niyang sinab kay Jake na ayaw niyang magpakasal.

“I did not want to get married because of what happened with my parents. But now, medyo okay na 'ko, gusto ko na,” sabi ni Inah.