Article Inside Page
Showbiz News
Isang importanteng payo ang iniwan ni Manilyn Reynes kay Jake Vargas. Alamin kung ano iyon dito:Tila naging nanay na talaga si Manilyn Reynes sa kaniyang Pepito Manaloto: Tuloy ang Kwento co-star na si Jake Vargas. Madalas kasi, kapag may problema raw ang young actor, lumalapit siya sa beteranang aktres at humihingi ng payo rito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 2, ipinahayag ni Jake kung gaano kabait sa kaniya si Manilyn, at kung papaano nito itinuturing siyang parang tunay na anak. May mga pagkakataon pa nga, ayon sa aktor na nag-o-open up siya sa aktres at humihingi ng payo.
“Siguro po like hindi ka basta-basta umo-oo. Kasi ako po 'yung taong laging oo nang oo kahit hindi ko naman gusto 'yung ginagawa. Hindi po ako marunong humindi,” sabi ni Jake.






