Article Inside Page
Showbiz News
Ipinaliwanag ni Manilyn Reynes kay Jake Vargas na nakakasama rin sa sarili kapag hindi tayo natututong humindi sa mga tao.Malalim na ang relasyon ng Pepito Manaloto co-stars na sina Manilyn Reynes at Jake Vargas na mahigit 16 na taon nang magkasama sa flagship Kapuso sitcom.
Mas lalong nakita ng viewers at fans ang mother-and-son relationship ng dalawa nang sumalang sila sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, June 2.
Tanong ng King of Talk Boy Abunda kay Jake, “Pero kapag may pinagdaanan kang personal, kunwari sa personal na buhay, paano naman umalalay ang isang Manilyn [Reynes]?"






