Article Inside Page

Showbiz News

Nitong nakaraang linggo lamang ay nanawagan ng boto para kay Felipe Marasigan ang The Mister Pilipinas Worldwide organization.Malaki ang naitulong ng bayanihan kay Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan dahil pasok na siya sa semi-finals ng isa sa mga challenges ng pageant, salamat sa boto ng mga Filipino pageant fans.

Nag-upload ng isang graphic ang Mister Pilipinas Worldwide organization sa kanilang Instagram account na nagpapasalamat sa mga Filipino pageant fans at supporters sa pagtulong nila kay Felipe para manalo sa Supra Chat Group 6, at ngayon ay pasok na siya sa semi-finals ng challenge. Ang mananalo sa Supra Chat series ay makakakuha ng pwesto sa top 20 ng Mister Supranational 2026.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nanawagan sa kanilang Instagram account ang The Mister Pilipinas Worldwide organization sa mga pageant fans and followers na iboto si Felipe. Kasama sa kanilang Instagram post ay instructions kung paano iboto si Felipe sa Supra Chat series ng Mister Supranational.