Article Inside Page

Showbiz News

Kilalanin ang mga Mister Pilipinas Worldwide 2026 winners na maghaharap sa 'Family Feud' ngayong June 10.Ngayong Miyerkules sa Family Feud, magtatagpo ang walo sa pinakakilala at pinakabagong pageant titleholders ng bansa.

Maghaharap ngayong June 10 ang dalawang teams na binubuo ng mga winner ng Mister Pilipinas Worldwide 2026 para ipakita ang kanilang talino, bilis ng pag-iisip, at teamwork.

Unang sasabak sa laro ang Hunks on Fire, na binubuo ng mga titleholder na nagbigay-karangalan sa bansa sa iba't ibang international pageants.